MAGIGING mandatory ang pagpapasailalim sa rapid o swab test sa gaganaping halalan ng Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 27.
Lahat ng sports officials na lalahok sa botohan ay kailangang sumailalim sa Covid-19 testing. Kinumpirma ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na ang mga opisyal na kumakatawan sa kani-kanilang national sports associations (NSAs) ay obligadong magpa-rapid o swab-testing dalawang araw bago ang halalan.
Aniya, prayoridad ng POC ang kalusugan at kaligtasan ng bawat isa. Si Tolentino na kongresista sa ika-8 distrito ng Cavite, ay tatakbo sa pangalawang pagkakataon matapos manalo noong nakaraang taon sa halalan dahil sa resignation ni dating POC president Ricky Vargas.
Ang POC electorate ay binubuo ng 51 NSAs, dalawang O l y m p i a n s mula sa athletes commission at International O l y m p i c C o m m i t t e e executive board member Mikee C o j u a n g c o - Jaworski.
“We will strictly follow government protocols on social gatherings and secure the necessary permit from the IATF (Inter-Agency Task Force on Emerging I n f e c t i o u s Diseases),” ayon kay Tolentino.
Kabilang sa paglalabanan sa POC election, bukod sa pangulo, ay ang chairmanship, 1st at 2nd vice p r e s i d e n t s , t r e a s u r e r , auditor at four board members. Ang secretary-general ay appointee ng POC president
.-Bert de Guzman