July 15, 2026

Home SPORTS

Eman Bacosa, kasado na masungkit 'lightweight championship' title ngayong Linggo!

Eman Bacosa, kasado na masungkit 'lightweight championship' title ngayong Linggo!
Photo courtesy: via MB

Muling magtatapat sina Eman Bacosa Pacquiao at Rodelyn Perez upang paglabanan ang bakanteng Philippine Boxing Federation (PBF) lightweight championship title sa DRP Sports Complex sa Muntinlupa City sa ganap na 3:00 ng hapon nitong Linggo, Hunyo 21. 

Layunin ni Bacosa na maipagpatuloy ang kaniyang magandang takbo sa professional boxing at makuha ang kauna-unahang titulo sa kaniyang karera. 

Ang 24-anyos na boksingero, na anak ng eight-division world champion na si Manny “Pacman” Pacquiao, ay may record na walong panalo, isang talo at isang draw, kabilang ang limang knockout.

Dala rin ni Bacosa ang walong sunod na panalo bago sumabak sa pinakamahalagang laban ng kaniyang karera. Huli siyang lumaban noong Pebrero kung saan pinatulog niya sa ikaapat na round ang Indonesian boxer na si Reynold Kundimang.

Hindi na rin bago ang kaniyang makakalaban dahil nagharap na ang dalawa noong Oktubre 2024. Sa kanilang unang sagupaan, nanaig si Pacquiao sa pamamagitan ng majority decision.

Kiefer Ravena, wapakels na sa 'di pagkuha sa kaniya sa national team!

Samantala, determinado si Perez na makabawi at mapantayan ang kanilang head-to-head record. Ang tubong Zamboanga Sibugay ay may kartadang limang panalo at apat na talo, kung saan apat sa kaniiyang mga panalo ay natamo sa pamamagitan ng knockout.

Papasok si Perez sa rematch na may kumpiyansa matapos ang magkasunod na panalo laban kina Conrado Tanamor at Nathaniel Bonggo.

Ang mananalo sa laban ay makakamit ang bakanteng PBF lightweight championship at posibleng magkaroon ng mas malalaking oportunidad sa professional boxing sa mga susunod na taon.