BALIK na sa tarayan ang mga aktres na sina Ms. Dina Bonnevie at Ms. Snooky Serna ngayong ang sumunod namang naka-lock-in taping ay ang cast ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa GMA Network.
Medyo nagkaroon pa raw si Snooky ng takot sa lock-in taping pero naisip din niya na dapat niyang isipin ay ang mga televiewers na naghihintayu mapanood kung paano magwawakas ang story ng teleserye na nang magkaroon ng pandemic ay malapit na ring magtapos.
Sa isang video na kuha sa taping, ay ipinakita nila kung paano nila inu-observe ang health protocols sa taping. Kasama nila sa eksena sina Barbie Forteza, Jay Manalo at si director Mark dela Cruz.
Marami nang netizens, lalo na ang mga fans nina Barbie at Kate Valdez, ang naghihintay ng mga susunod na eksena kung magkakasundo na ang mag-beshie na sina Ginalyn (Barbie) at Caitlyn (Kate Valdez) na nasira ang pagkakaibigan dahil sa isang lalaki na pareho nilang minahal, si Cocoy (Migo Adecer).
-NORA V. CALDERON