Binusisi at hinimay ng Kamara ang hinihinging P171.22 bilyong budget ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na responsable sa pagkakaloob ng ayuda, kabilang ang Social Amelioration Program (SAP).

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations, tiniyak ng mga opisyal ng DSWD sa mga mambabatas na palalakasin at bibilisan pa nila ang social assistance programs, tulad ng SAP, sa susunod na taon.

Kasama sa nasabing budget ang pondo para sa attached at supervised agencies nito.

Ang DSWD budget ay kumakatawan sa 4.39 percent increase ng kasalukuyang budget nitong 2020 na P164.02 billion.

Eleksyon

Comelec, ‘di raw makapag-desisyon sa kapalaran ng Duterte Youth Party-list: ‘Komplikado!’

Inihayag ni DSWD Secretary Rolando Joselito Bautista na ang 2021 budget ay nagtatakda sa mga pagbabago sa implementasyon ng mga programa ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Protective Services, Sustainable Livelihood Programs, Supplemental Feeding Programs at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services, Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KALAHI-CIDDS-KKB).

Ang 4Ps ang nakakuha ng mas malaking dagdag na pondo para sa mga programa ng DSWD na nagkakahalaga ng P113.8 bilyong gagamitin sa pagkakaloob ng tulong sa may 4.4 milyong mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng edukasyon, kalusugan at cash grants.

-BERT DE GUZMAN