Pinagtibay ng Kamara ang panukalang batas na nagtatatag sa isang ahensiya na ang mandato ay tulungan ang gobyerno sa pagtugon sa mga kalamidad sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bumoto nang pabor ang mga kongresista sa House Bill 5969 (Disaster Resilience Act) para sa paglikha ng Department of Disaster Resilience (DDR) na magsisilbing pangunahing ahensiya na responsable sa pambansang pagsisikap bago, habang at pagkatapos ng mga kalamidad.

Paliwanag ni House Majority Leader Martin Romualdez, malaking tulong ito upang mabawasan, kundi man tuluyang mapawi, ang bureaucratic red tape na nagiging sagwil sa pagkakaloob ng agarang ayuda na kailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Sa pamamagitan ng DDR, masisiguro ang “unity of command, science-based approach, and full-time focus on natural hazards and disasters.”

Eleksyon

Bong Go matapos maging rank 1 sa senatorial race: ‘God is good, God is fair’

Bert de Guzman