Nananatili pa ring suspendido ang implementasyon ng number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ang paglilinaw ni MMDA General Manager Jose Arturo Garcia at idinahilan ang limitadong pampublikong sasakyan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

“Ang coding natin ay naka-suspend pa rin kasi hindi pa ganoon ka normal ang ating public transportation,” sabi nito.

Nitong Marso, sinuspindi n MMDA ang pagpapatupad ng nasabing sistema dahil sa ipinaiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil na rin sa paglaganap ng coronavirus disease (COVID-19).

National

Chel Diokno sa pagtakbo ng Akbayan sa Kongreso: ‘Our record speaks for itself!’

Paglilinaw ni Garcia, ang pagsuspindi sa number coding ay isa sa paraan upang matulungan ang mga frontliners, gayundin ang mga authorized person outside of residence (APOR) sa pamamagitan ng pagpapahintulot na magamit ang kanilang mga sasakyan dahil na rin sa limitadong operasyon ng mass transport.

Kasalukuyang nasa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila hanggang Setyembre 30.

Jhon Aldrin Casinas