Magsasagawa ang Department of Social Welfare (DSWD) ng bagong pasilidad sa Quezon City upang mapadali ang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP)-2nd tranhe sa mga residente ng lungsod.
Ipinaabot kahapon ni DSWD- QC coordinator Ilene Lotino kay Mayor Joy Belmonte ang dahilan sa pagkaantala ng payout sa mga benepisyaryo ng SAP sa lungsod.
Aniya, nagpasalamat ang pamahalaang lungsod Quezon dahil nabigyan ng paglilinaw ang pagkaantala ng SAP.
Nilinaw ng DSWD na ang nakahadlang sa payout ay kakulangan sa impormasyon, partikular ang contact numbers ng mga benepisyaryo dahil marami ay hindi kumpleto ang impormasyon, gaya ng cellphone number.
Kapag naplantsa na ng maayos ang pamamahagi ay maisasakatuparan ang pamahagi ng SAP sa lunsod sa unang Linggo ng Oktubre.
Jun Fabon