Nagbabala si Senador Christopher “Bong” Go sa mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking maging maayos ang pamamahagi ng pondo na nakapaloob sa Republic Act 11494, o Bayanihan to Recover as One Act.
“Uulitin ko po ang lagi kong pinapaalala sa ating mga executive agencies: Siguraduhin natin na magagamit ang pera ng bayan ng tama, siguraduhin natin na makakarating ang tulong sa pinaka-nangangailangan at pinaka-apektado nating mga kababayan. At siguraduhin natin na walang pinipiling oras ang ating pagtulong at pagserbisyo sa bayan,” ani Go.
Mayroomng P165.5 bilyon pondo ang Bayanihan Act 2, kung saan P140-B ay sa regualr na appropratioon habang ang P25.5-B ay “standby funds” kung saan P10-B dito ay para sa COVID-19 testing at pambili ng mga gamot.
Leonel M.Abasola