Napipintong magpatupad ng big-time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba ng P1.50 hanggang P1.60 ang presyo ng kada litro ng diesel, P1.40-P1.50 sa kerosene at P0.95-P1.10 naman sa presyo.
Ang nagbabadyang malaking bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Nitong Setyembre 8, nag-rollback ng P0.55 sa presyo ng kerosene, P0.45 sa diesel at P0.30 sa gasolina.
Bella Gamotea