Ganap nang batas ang Bayanihan to Recover As One o Bayanihan 2.
Ito ay matapos pormal nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes.
Sa ilalim ng Bayanihan 2, naglalaan ito ng stimulus package na P140 bilyon sa regular appropriation at P25 bilyon bilang standby funding para para sa pagtugon ng bansa sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Nitong nakaraang buwan ay niratipikahan ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang naturang batas. Ang malaking bahagi ng budget na ito ay mapupunta sa loans para sa mga sektor na labis na naapektuhan gaya ng micro, small and medium-scale enterprises, transport, tourism at agriculture. Sa ilalim ng batas, naglaan din ng allowances sa mga estudyante sa private at public elementary schools, high schools, at colleges na ang magulang ay nawalan ng trabaho.
Beth Camia