Puspusan ang pagta-trabaho ng mga kawani ng Meralco upang mabigyan ng ligtas at maaasahang serbisyo ng kuryente ang Solaire-PAGCOR Mega Quarantine Facility na
matatagpuan sa Paranaque City. Ang nasabing pinaka malaking quarantine center sa Metro
Manila na may 525-bed capacity ay isa sa mga bagong COVID-19 facilities na magsisilbi sa
Metro Manila, Bulacan, at sa Calabarzon.
Kasama sa energization project na ito ay ang pagtayo ng mga bagong metering facilities, apat (4) na bagong concrete poles, tatlong (3) spans ng covered conductor, at tatlong (3) 333KVA single-phase distribution transformers. Ang
pagbibigay ng maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga quarantine at treatment facilities ay isa sa mga priority projects ng Meralco ngayong taon, bilang walang humpay na suporta na rin sa gobyerno at ng pribadong sector laban sa pandemyang COVID-19.