Pinagpapaliwanag ng Kamara ang Department of Finance (DOF) kung bakit nagkaroon ng P1.86 trilyong utang ang gobyerno at kung magkano sa utang na ito ang nagastos sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Nais ng House committee on public accounts sa ilalim ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor na detalyadong ilahad ng DOF ang mga utang nito sa lokal at dayuhan sa unang pitong buwan ng taong 2020.

“Nagtatanong ang mga tao tungkol sa inutang ng gobyerno, laluna kung saan at paano ginastos ang pera. Para sa ikaliliwanag ng lahat, dapat mag-explain ang DOF at ang Department of Budget and Managament (DBM) tungkol sa isyung ito,” ayon kay Defensor.

Mismong si DBM Secretary Wendel Avisado aniya ang nagpabatid sa mga kongresista na hanggang nitong Agosto 28, nakapag-disburse na ang DBM ng P389 bilyon para sa paglaban sa COVID-19.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“For instance, how much of P1.86 trillion went to Covid-19 response measures? How much for infrastructure? How much for debt repayment? And how much for salaries, if any”? pagtatanong ng kongresista.

-Bert de Guzman