Bilang bahagi ng programa ng pamahalaan, nasa 93 persons deprived of liberty (PDL) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa New Bilibid Prison.

Sa programang may temang “Pagbalik, Pagbabago at Pagtanggap sa Malayang Lipunan,” binigyan ng parole ang nasabing bilang ng mga inmates saan 86 sa mga ito ang binigyan ng parole, anim ang na-acquit habang isa ang nakalaya matapos mag-expire ang sentensya.

Karamihan sa nasabing mga bilanggo ay nakulong sa Medium Security Compound habang mayroon din mula sa Maximum at Minimum Security at BuCor Extension Facility.

Bago silang tuluyang pinalaya, pinabaunan ang mga ito ng grooming at hygiene kit at kaunting tulong-pinansyal pero may iba na ihahatid na mismo sa tahanan para sa kanilang kaligtasan.

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Bella Gamotea at Beth Camia