Bilang bahagi ng ‘new normal’, inoobliga na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng drivers na magrehistro sa Public Transport Online Processing System (PTOPS) ng LTFRB-NCR.

Para sa kaalaman, kailangan lamang ng mga driver na mag-log in o sign up gamit ang sariling email address; mag-verify ng kanilang account sa email at pangatlo ay ang mag-apply gamit ang mga impormasyon at iba pa na maaaring hingin ng system tulad ng, pangalan, pangalan ng operator, address, cellphone number, ruta at Uri ng PUV, kung ito man ay Public Utility Bus , Modern Public Utility Jeepney, Traditional Public Utility Jeepney. Pumunta lamang sa link na https://ncr-ltfrb.pisopay.com.ph/en para ma-access ang PTOPS.

Beth Camia
National

Romualdez masarap daw tulog, nag-react sa balitang na-stroke, naospital siya