LUMAMPAS na nitong Linggo ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa 27 milyon sa buong mundo, habang nasa 882,000 na ang bilang ng namatay sa virus, ayon sa US-based Johns Hopkins University.

Nangunguna pa rin ang United States sa tally ng kabuuang bilang na may higit 6.27 milyong impeksyon at higit 188,940 na pagkamatay.

Naungusan naman ng India ang Brazil bilang ikalawa sa pinakamatinding timaang bansa na may kabuuang bilang ng kaso na 4.2 milyon, at death toll na 71,642.

Nasa ilalim na ang India ng Unlock-4 phase matapos hagupitin ng pandemya ang bansa higit pitong buwan na ang nakalipas. Sa nakalipas na mga linggo, tumuon ang bansa sa pinalawak na sample testing, na nagbigay-daan sa biglaang paglobo ng bagong COVID-19 cases na nakukumpirma bawat araw.

Base sa datos ng Indian Council of Medical Research, umabot na sa 48,831,145 samples ang nasuri hanggang nitong Linggo, kasama ang 1,092,654 samples na nasuri nito lamang Sabado.

Nitong Linggo nakapagtala ang Brazil ng 447 pagkamatay mula sa COVID-19 sa nakalipas na 24 oras, nadumagdag sa 126,650 death toll, habang libu-libo pa rin ang piniling magtungo sa beach at iba pang recreational spots para sa long weekend ng Independence Day, nitong Setyembre 7.

Iniulat din ng Ministry of Health na nasa 14,521 kaso ng impeksyon ang natukoy sa nakalipas lamang na 24 oras, dahilan upang umabot sa kabuuang 4,137,521 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil, ang ikatlo sa global tally.

Sa southeast state ng Sao Paulo, ang pinakamatao lugar sa bansa, wala pang 40 porsiyento ng mga residente ang nananatili sa mga bahay, ayon sa Globo TV network reported, bilang pagbabahagi sa tala ng pamahalaan.

PNA