Asahan ang napipintong oil price rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng bumaba sa P0.40 hanggang P0.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.30-P0.40 naman sa diesel.
Malimit sa tuwing Martes sa kada linggo nagpapatupad ng oil price adjustment ang mga kumpanya ng langis sa bansa.
Ang inaasahang bawas-presyo sa produktong petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Bella Gamotea