DEBUT ni Kapuso tween star Kyline Alcantara last Septembeer 3, at sa kabila ng mga nangyayari ngayon, hindi naging hadlang ito para hindi sorpresahin ang debutante sa kanyang special day. Natatandaan namin na early 2020 pa lamang ay naghahanda na si Kyline and her family ng isang engrandeng birthay celebration, sabay ng pasasalamat sa lahat ng blessings na natanggap ng young actress.

kyline

Nagkaroon ng surprise ‘quarantined party’ on her birthday organized by her friends at family ni Kyline. Akala ni Kyline ay may meeting siya sa isang shampoo endorsement niya, kaya ikinagulat niya ang naghihintay na sorpesa sa kanya sa venue.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga nakaalaala sa birthday ko at sa mga bumating mga fans at fellow celebrities,” nakangiting pahayag ni Kyline during the party. “This is an unforgettable birthday celebration, pinasaya ninyo ako talaga!”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Post naman ni Kyline sa kanyang Instagram; “Swinging to adulthood now. I’ve been told that it’s not gonna be an easy ride, but with you people to guide me, I know that I’m gonna be just fine. Thank you all for your sweet greetings. I feel all your love. Sending my virtual hugs and kisses to all of you.”

Meanwhile, naghahanda na ang GMA Network sa pagri-resume ng taping ng new episodes ng Bilangin Ang Bituin Sa Langit na pinagbibidahan ni Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, kasama sina Kyline at Yasser Marta sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen.

-NORA V. CALDERON