HINDI lamang ang Games and Amusements Board (GAB) ang nakabantay sa mga ensayo ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 bagkus maging ang Commission of Higher Education (CHED).

Mismong si CHED chairman Popoy De Vera ang personal na nagsiyasat at napabilib sa ipinapatupad na health protocol ng kauna-unahang 3x3 basketball pro league sa bansa.

“Nakita ko yung ginawa nila Eric Altamirano sa Chooks 3x3 sa UP. Ang ganda. Dapat ipakita sa mga amateurs,” pahayag ni De Vera.

Mula ng payagan ng IATF ang hinay-hinay na pagbabalik ng pro basketball, personal na binibisita ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang isinasagawang programa ng liga na pinamumununa ni Commissioner Eric Altamirano.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

“We will gladly do so. We are hoping to share our best practices to the amateurs,” pahayag ni Altamirano bilang tugon sa ginagawang pagsusuri ni Mitra.

Bilang pagtalima sa IATF, sinimulan ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 ang programa sa pagsasailalim sa polymerase chain reaction (PCR) test para sa lahat ng players at personnel.

Bunsod nito, isinumite ng Chooks-to- Go Pilipinas 3x3 ang proposal para payagan ang scrimmages.

“Hopefully after reviewing this, we can implement it as soon as possible,” pahayag ni Mitra.

-Annie Abad