Ni Edwin Rollon

HINDI nagbigay ng kopya ang University of Santo Tomas sa resulta ng kanilang imbestigasyon sa isyu ng ‘bubble practice’ ng Golden Tigers sa Sorsogon sa dalawang ahensiya ng sports ng pamahalaan.

Sa hiwalay na pahayag nina Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, hindi nabigyan ng kopya sa sinasabing resulta nang isinagawang ‘internal investigasyon' ng unibersidad hingil sa kontrobersyal na paglabag nbg UST sa JAO program.

Ang GAB at PSC, kasama ang Department of Health (DOH) ang nagbuo ng Joint Administrative Order (JAO) na siyang pinagbasehan ng Inter-Agency Task Force (IATF) para magpalabas ng kautusan na payagan ang pro sports na basketball, football, boxing at iba pang contact sports sa hinay-hinay na pagbabalik sa ensayo batay sa ipinapatupad na community quarantine sa mga lugar.

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya

MITRA

MITRA

Nabulgar ang ginawang ‘bubble practice’ ng UST Tigers kamakailan matapos lumabas sa social media ang video ng ensayo. Nakumpirma ito ni CJ Cansino na kalauna’y sinibak ng UST sa team. Lumipat ang dating junior MVP sa University of the Philippines.

Batay sa panuntunan ng IATF sa paglagda sa JAO, direktang nilabag ng UST Tigers ang ‘safety and health protocol’.

“Representatives from NU and UST have been given the chance to explain their sides. NU has promised that their athletic department will provide all the necessary data to help the JAO group further assess the situation based on due process. While, UST, through its lawyers, explained that it has created its own panel to conduct internal investigation. UST, however, has not furnished GAB and PSC the result of said investigation in order to maintain confidentiality,” pahayag ni Mitra matapos ang isinagawang zoom meeting ng IATF.

“With regards to the issue raised against UST, the PSC can not comment at the moment. UST submitted their report only to CHED and DOH,” pahayag naman ni PSC Chief of Staff and Natl Training Director Marc Velasco.