ILANG linggo na lang at balik-taping na ang teleseryeng inaabangan ng lahat pero namumroblema ang buong production dahil hanggang ngayon pala ay wala pa silang location na naisasara.

“Okay na kasi dati, e, biglang nag-cancel ‘yung sa location na doon sana lahat kukunan plus doon na rin mag-stay kasi lock in nga kami. Heto back to zero na naman, mega hanap,” say sa amin ng taga-prod ng serye.

Wala raw ibinigay na dahilan kung bakit nag-cancel, e, plantsado na.

“Feeling ko lang ha, baka may ibang inoohan na? Kasi narinig ko nag-inquire raw ‘yung kabila, eh,” sabi ulit.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Ang nabanggit na nag-inquire ay taga ibang TV network na may serye ring kukunan at lock in din sila na nu’ng binanggit kung ano ito ay sabi nga namin na, ‘oo naman priority ‘yun kasi naunang nag-shoot na doon, so may mga continuity na.’

Ang siste pala hindi binayaran ng buong production ang location, kung ilang araw lang nag-stay ang mga artista at production people ay iyon lang ang bayad. Kaya siguro naisip nitong manager o owner ng venue na tumanggap ng iba dahil technically ay wala silang booking.

Ending, nagparamdam pala ulit ang naunang nag-taping, kaya hayun, kinansel ang bagong inquiry.

-Reggee Bonoan