HINDI man binanggit ng taga-Cornerstone Entertainment kung nasaang lugar si KC Concepcion ngayon na nakabakasyon daw ay pakiwari namin ay nasa private resort somewhere in Batangas na hindi na rin namin babanggitin kung saan ito pero base sa mga nabasa naming komento ng Instagram followers ng dalaga ay alam nila ito.

kc

Anyway, abala si KC sa kanyang Kitchen Collabs sa kilalang celebrities na pinost niya ngayon sa kanyang YouTube channel.

Ang mga naka-collab ni KC ay si Chef Jordan Andino host ng Late Nite Eats sa Cooking Channel ng Television Food Network. Nagpaturo si KC ng pagluluto ng Paella at Chicken Adobo; Judy Ann Santos para sa Seafood Curry; Dr. Z and Dr. Aivee Teo (Aivee Clinic) ng Singaporean Bee Hoon; Chef Chele Gonzalez ng Tiger Prawn at si Pokwang sa Spicy Minced Chicken in Lettuce wrap.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dapat ituloy-tuloy ito ng dalaga dahil ang daming nag-aabang sa kanya bilang hindi naman siya cook pero dahil sa pakikipag-collab niya ay tiyak na marami na siyang natutunan kahit hindi siya nag-aral ng culinary.

Kaya siguro isa rin ito sa dahilan kung bakit kung saan-saang lugar nagpupunta ngayon si KC para sa kanyang bagong pinagkakaabalahan sa kanyang KC Diaries.

Samantala, ang daming nagsulat na magkakaroon ng show si KC sa TV5 kasama ang kanyang amang si Gabby Concepcion na kaagad naman itong klinaro ng kanyang handler sa Cornerstone na si Caress Caballero.

“Wala po siyang show sa any network,” sagot sa tanong namin kung totoo ang mga nasulat.

Hayan klaro, walang alok at walang show, period!

-REGGEE BONOAN