Pinagbibitiw na sa puwesto si National Youth Commission (NYC) chairman Ryan Enriquez dahil sa sobrang paggastos sa pondo ng ahensya na inilaan sa mga ensayo, seminar at pagkain noong nakaraang taon.

Idinahilan ng militanteng Akbayan Youth, ang annual audit report ng Commission on Audit na nagsasabing aabot sa 34.98 milyon ang ginastos para sa training program na isinagawa sa ilang five-star hotel, bukod pa ang P171,500 na halaga ng Filipina costumes na ginamit ng mga lumahok sa cultural exchange program.

“The NYC headed by Ryan Enriquez spoiled themselves with funds meant for youth development while millions of young people are living in poverty,” ayon kay Akbayan Youth chairman Dr. RJ Naguit.

Binanggit din nito nabigo rin ang NYC na maabot ang

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

performance target nito, partikular na sa anti-drugs campaign nito sa kabila ng malaking nagastos nito.

Tinukoy ng grupo ang natapos ng NYC na apat sa 12 projected activities nito para sa kanilang Fit Filipino Youth Against Drugs (FYAD) initiative.

“This is laughable as an agency that obsessed so much about the President’s war on drugs. The NYC’s hopeless incompetence waste(s) so much of government funds for the youth,” ayon pa kay Naguit.

-Raymund F. Antonio