SA darating na linggo ng kakatawanan sa pinakabagong game shows ng TV5 na trending ngayong pandemya, makakasama ang vloggers na sina Krissy Achino at Baninay sa Fill in Bank at Cignal HD Spikers sa Bawal na Game Show. Kasunod ng back-to-back celebrity episodes, malapit na ring bumida ang mga televiewers at manalo bilang home partners.

Samahan ang nakakabaliw na tambalan ng vloggers na sina Baninay at Krissy Achino kasama ang “Fill in the Bank” hosts “Manedyer” Jose Manalo at Madam Poky Pokwang sa Lunes, Agosto 31, 7:30 p.m. Sa Setyembre 2, tuloy-tuloy ang tawanan kasama ang standup comedians na sina Toni G at Afril na magtatagisan ng galing upang maiuwi ang papremyong Php150,000.

Tampok sa “Fill in the Bank” sa Setyembre 4 ang business partners na sina Alphard Robles at Jericho Tabangcura na magpapamalas ng husay sa pagpapaikot ng pera na may hatid na kakaibang ayuda at PPE (Personal Protective Equipment) sa pamamagitang ng nakakaaliw na laro gamit ang Ayuda Teh! Machine (ATM) at Panghakot na Papremyo Equipment (PPE).

Para sa mga mahihilig sa sports, tampok sa Bawal na Game Show sa Setyembre 1 ang mga bagong “pasaway” na Cignal HD Spikers na sina Jheck Dionela, Alfred Valbuena at Marck Espejo. Muling makigulo sa “Bawal na Game Show” hosts na sina Bebe Ghorl Wally Bayola at Barby Ghorl Paolo Ballesteros at tunghayan ang aksyon sa “Bawal Ma-Fall,” “Bawal ang Da Moves,” “Bawal ang Sablay,” “Bawal ang Sumuko” at “Bawal na Roleta.”

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

-Reggee Bonoan