TARGET na makamit ang unang gold medal sa Olympics, muling nahalal na pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) si Cynthia Carrion-Norton.
Umaasa si Carrion na magmumula sa gymnastics ang matagal nang pangarap na gintong medalya sa quadrennial meet na gaganapin sa Tokyo, Japan sa susunod na taon.
Sa liderato ni Carrion na namayagpag si World Champion Carlos Yulo – isa sa apat na atletang Pinoy – na kwalipikado na sa nabinbin na Tokyo Olympics.
Bukod sa kanya, nahalal din si Jude Turcuato, PLDT sports head, bilang vice president ng GAP, Sondhya Tayag bilang secretary-general at Myrna Yao bilang treasurer.
Kabilang sa uupo sa GAP board ay sina Makati City Mayor Abby Binay, John Arcenas, Rebecca Wata, Susan Talingting at Arnold Labadan.
-Bert de Guzman