Walang ibang dapat sisihin sa dalawang pasabog sa Jolo, Sulu kundi ang Philippine National Police (PNP) na pumaslang sa mga intelligence operative ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa naturang lugar ilang linggo na ang nakararaan.

Ito ang reaksyon ni Senator Leila de lima at sinabing hindi ang pagpapairal ng Martial Law sa Mindanao ang tugon sa terorismo, bagkus ang kailangan ay mapipigilan ang sabawatan ng PNP at Abu Sayaff Group (ASG).

Aniya, mismong sa AFP na nanggaling na target ng kanilang mga operatiba ang dalawang suicide bomber nang sila ay patayin ng mga tauhan ng PNP.

Inilabas ng senador ang nasabing pahayag bilang tugon sa inihayag ni PNP Chief Archie Gamboa na kailangang ideklara ang batas militar sa Sulu.

National

‘Life-threatening conditions’ nagpapatuloy sa ilang bahagi ng Luzon dahil kay Marce – PAGASA

-Leonel Abasola