HALOS isang taon nang bakante sa laban si Filipino featherweight king Mark ‘Magnifico’ Magsayo. Ngunit, walang dapat ipagamba ang mga kababayan sa nalalapit niyang laban sa abroad – handa at batak ang 25-anyos kahit sa sparring ng maybahay na si Frances.

“Wala pong problema batak tayo sa sparring. Sa bahay pa lang araw-araw may six-round sparring kami ni Misis (Frances),” pabirong pahayag ni Magsayo sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via zoom nitong Huwebes.

Hindi sa minamaliit ni Magsayo ang makakaharap na si American Jose ‘Pepito’ Haro sa closed-door, no-audience 10- round fight sa Setyembre 23 sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California, ngunit sadyang mahirap tangihan ang nakasanayan.

“Taekwondo black belter kasi Misis at sumasabak din sa boxing kaya pang nasa bahay lalo na itong nangyaring lockdown, talagang kaming dalawa lang ang sparring. Siyemprem hindi ko naman pinupuwersa, mahirap na mapalabas tayo ng bahay,” pahayag ni Magsayo.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Ngunit, batay sa programa na inihanda ni Sean Gibbons ng MP Promotions na siyang may hawak ngayon ng career ng WBC-ABC featherweight champion, bibisita siya sa gym ni Freddie Roach para sa seryosong paghahanda ilang linggo bago ang laban.

“Magandang simula ito para sa akin. Target ko na madomina ang world featherweight at nagpapasalamat ako sa gabay ng MP Promotions,” aniya.

Tangan ang 20-0 karta, tampok ang 14 KO, isa si Magsayo sa ipinapalagay na ‘next boxing star’ higit at limitado na ang laban ni boxing icon many Pacquiao.

Magtapos matali sa kontrobersya laban sa dating promoter na ALA Promotions, hindi na nakalaban si Magsayo mula nang manalo kay Thai Panya Uthok para makamit ang WBC-ABD title noong Agosto 2019.

“Kumpiyansa tayo. Beterano ang kalaban, pero pipilitin kong manalo para sa ating mga kababayan, kahit wala sila kahit sa TV lang ang makapanood ayos nay un,” sambit ni Magsayo.

Hawak ni Haro ang 15- 1-1 karta, tampok ang walong TKO.

Sa isyu ng financial, iginiit ni Magsayo na walang magiging problema dahil nakabantay ang kanyang maybahay.

“Kahit sa dati kong promotions, nakakaipona ko. Nakabili nga ako ng bahay at lupa sa kinita ko,” aniya.

-Edwin Rollon