QUEZON- Inihayag ng Obstetrician-Gynecologist (OB-Gyne) department ng Quezon Medical Center (QMC) sa Lucena City na ila-lockdown muna nila ang nasabing ospital sa loob ng 14 araw upang labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng mga nahahawang buntis na pasyente.

Sa memorandum No. 2020-010 na inilabas ni Dr. Belen Garana, head ng OB-Gyne department, inabisuhan nito ang QMC-chief of hospital, administrator, medical and city health officers, chief ng districts hospitals para sa nasabing total lockdown simula on Agosto 31 hanggang Setyember 14, 2020.

Alinsunod sa memo, walang pasyente ang tatanggapin sa nasabing mga petsa, at ang OB-Gyne department ay mag-aalaga lamang sa mga pasyente na na-admit na sa OB ward.

Probinsya

Pagpapapako ni Ruben Enaje sa krus, matutuldukan na ngayong taon?

Sinabi nito na sa nakalipas na ilang linggo, nakitaan nila ng pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng virus sa OB-Gyne na karamihan ay asymptomatic at pinapapasok sa mga hindi COVID-19 na lugar.

Dalawa aniya sa mga Ob-Gyne doctors ang nahawaan ng virus at tatlong iba pang mga doktor kasama ang mga kawani sa OB emergency room (ER) at delivery room (DR).

-Danny Estacio