Nanawagan si Senator Nancy Binay sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na payagan ng magtrabaho sa labas ng bansa ang mga health worker.

“For healthcare workers, the struggle to survive is real in the midst of risks and trying to feed a family. Sana maunawaan din ng POEA at ng IATF ang kalagayan ng ating mga nurse na ‘di lang naman sila full-time sa ospital. Sa totoo lang, mas mabigat ang pressure kung paano maitatawid ang kanilang mga pamilya sa gitna ng pandemya,” aniya.

“‘Yung travel ban hostages their chance to have a decent work-life balance and give their families a better future,” dugtong pa ng senador.

Wala aniyang karapatan ang pamahalaan na pigilan ang paglabas ng mga health workers, at kung sakali man na igiit nila ito, dapat ay may sapat na pasahod sa mga ito.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

“They have long been neglected. Kung itutuloy nila ang deployment ban, at the very least the government should provide our healthcare workers with compensation sufficient enough to provide for their families,” dagdag pa ng senador.

-Leonel M. Abasola