ANG itinayong kainan na Chicks ni Otit sa General Trias, Cavite ang pinagkakaabalahan ng pamilya ng komedyanang si Wilma Doesnt base sa vlog ng komedyanteng si Diego Llorico na pinuntahan nila kasama ang ilang kaibigan para tikman ang specialty ng restaurant.
Si Wilma mismo ang personal na nag-asikaso sa mga customer nila katuwang ang ilang anak na malalaki na rin. Ayon kay Diego ay nabusog sila dahil masarap at mura pa.
Samantala, magkaibigan pala sina Wilma at John Lloyd Cruz at nagkaroon sila ng bonding moments kamakailan.
Base sa mga pinost na larawan ng komedyana ay inimbita sila ng aktor sa isang private resort at isinama niya ang mga anak at bebe love niya.
Ang caption ni Wilma, “Ung kaibigan mo na huli mong nakita nu’ng 16yrs old pa lang s’ya tapos nu’ng nagkita kayo eto ang usapan ninyo:
Me: Aba toy buhay ka pa!!!!(gulat nabigla buti hindi tumaas ang dugo at na stroke sa kaligayahan)!!
Llyodie: ikaw nga si ate Wilma
Me: tuli ka na toy
Lloydie: opo ate
After 1hour...
Lloydie: Sama ka sa beach sama mo mga kids mo?!?!!
Me: lets gow sama kami (tatanggi ka ba eh ang gwapo ng kaharap mo)
Sa taranta nakakimutang magdala ng pang kilay!!(ang ganda)!!!
Ayun na dun na nagsimula ang maraming maraming kwentuhan (dont worry di nmin pinag-usapan mga girls). Sa huli isa lang ang nasabi ko
Me: toy always remember you cannot put a good man down gawa tayo pelikula!!!
Llyodie: ingat...waaaaa
Btw, si tito
Kasama sya!!!!waaaaa tropang trumpo!!!hahaha.”
Nakakatuwang malaman na edad 16 palang noon si Lloydie ng maging kaibigan niya si Wilma at ngayong nagkita sila ay edad 37 na at may anak na ang binata pero wala pa ring asawa.
-REGGEE BONOAN