PUMUNTA kami sa isang mall sa Quezon City nitong Biyernes ng gabi para bumili ng gamot sa drug store na mabuti na lang ay laging nasabit sa amin ang aming quarantine pass at working pass kaya tuluy-tuloy kaming pinapasok ng guwardia.

Tinanong namin si manong guard kung bakit maraming taong nakatambay sa labas, “wala po silang dalang quarantine pass, bawal po kasi pumasok ma’am ng wala.”

Narinig naming katwiran ng iba, “e, nasa GCQ na po ulit tayo, bakit sa Marikina hindi naman kailangan na ng pass?”

So dire-diretso na kami sa aming pupuntahan na inabot lang yata kami ng 45 minutes dahil pila sa pagpili ng gamot bukod pa sa dumaan na rin sa hardware para bumili ng ilaw.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

At kinagabihan ay nabasa naming nagtatanungan ang mga kaibigan namin kung kailangan ng quarantine pass sa Quezon City kasi nga sa Maynila, Mandaluyong at Marikina ay hindi naman daw.

Oo nga ‘no? Hindi pala pare-pareho ang patakaran ng LGU sa bawa’t lungsod.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte ay kahit nasa General Community Quarantine na ang Metro Manila ay limitado pa rin daw ang paggalaw ng mga residente sa Quezon City.

Nabanggit pa na kailangan ng quarantine passes o company ID para mapayagang makapasok saan man establishments sa nasabing lungsod.

“Kailangan nang magpakita ng quarantine pass o company ID bago payagang pumasok sa mga establisimyento sa ating siyudad. Ito’y upang matiyak na walang lalabas ng tahanan para lang gumala. Kung hindi naman kailangang lumabas, manatili na lang tayo sa loob ng ating mga tahanan upang maiwasan ang virus,” pahayag ni Mayor Joy.

Ang nasabing passes o company ID ay kakailanganin kapag pupunta sa commercial buildings, shopping centers at palengke.

Maging ang mga non-contact at non-group outdoor exercises gaya ng pagtakbo, bicycling, tennis, badminton at golf, at kailangan ding mayroong quarantine pass.

Ang quarantine passes ay iniisyu sa Barangay.

Gusto namin ang paghihigpit na ito ni Mayor Joy para na rin sa kapakanan ng mga residente ng Quezon City.

-Reggee Bonoan