Sumusunod lamang si Pangulong Rodrigo Duterte sa rule of law kasabay ng pagnanais na gumulong ang katarungan para sa kapakanan ng mga biktima ng pang-aabuso at karahasan at sa kanilang pamilya.
Ito ang mariing paliwanag ng Malacañang kasunod ng pagtanggi sa ulat na ipinag-utos ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) na huwag ipalabas o ibahagi ang impormasyon sa Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa pag-atake laban sa mga right defender at aktibista kamakailan lamang.
“There is no truth to the alleged report,” pagdidiin ni Presidential spokesperson Harry Roque.
Binigyang-diin ni Roque na interesado ang administrasyon na tanggalan ng maskara ang mga nasa likod ng pamamaslang sa mga aktibista na palaging isinisisi sa mga ahente ng bansa.
“We will leave no stone unturned to put these people behind bars,” ani Roque.
Sa ulat, ginanap sa Metro Manila ang isang ‘Global Day of Action for Justice’ sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City noong Agosto 19 na ang panawagan ay hustisya sa mga biktima ng pagpaslang laluna sa mga aktibista.
-BETH CAMIA