Puntirya ngayon ng Malabon City government na makapag-swab test ng 1,000 residente kada araw bilang paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa alkalde ng lungsod, isasagawa ang nasabing libreng mass testing kada Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Pinayuhan nito ang kanyang mga kababayan na makipag-ugnayan sa kani-kanilang barangay health center para mai- schedule ang mga ito.

Oobligahin na isailaim ang sinumang nakahalubilo ng mga asymptomatic COVID-19 patient bilang bahagi ng ipinatutupad na contact tracing.

-Orly L. Barcala

Probinsya

Lalaking angkas ng motor, patay matapos sumabit sa nakalaylay na kable sa kalye!