July 25, 2026

Home BALITA National

DOF, kinilala pag-angat ng Pilipinas bilang ‘upper middle-income country’

DOF, kinilala pag-angat ng Pilipinas bilang ‘upper middle-income country’
Photo courtesy: Department of Finance/FB


Kinilala ng Department of Finance (DOF) ang pag-angat ng bansa bilang isang “Upper Middle-Income Country.”

Kasunod ito ng anunsyong ibinahagi ng World Bank, kung saan pormal nilang iniulat na nasa nasabing kategorya na ang Pilipinas.

MAKI-BALITA: World Bank, kinilala Pinas bilang 'upper middle-income country!'-Balita

Ayon sa pahayag na ibinahagi ni DOF Secretary Frederick Go nitong Huwebes, Hulyo 2, inilarawan niya ito bilang isang “milestone” na siyang sumasalamin sa mga repormang pinasisinayaan ng pamahalaan upang mabuti ang ekonomiya ng bansa.

“The Philippines’ transition to an upper middle-income country is an affirmation of the reforms and policies that the government has consistently pursued to strengthen our economy and create more opportunities for our people,” saad ni Go.

“Now, we must continue to build on these gains so that the benefits of development reach more Filipinos,” dagdag pa niya.

Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO) nito ring Huwebes, Hulyo 2, ang pag-angat ng bansa sa naturang kategorya ay ang una nitong pagtaas simula noong taong 1987.

Matatandaang bago pa man umangat ang Pilipinas bilang upper middle-income country, nanatili ito bilang isang lower middle-income country sa loob ng halos apat na dekada.