Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tagapagtaguyod ng karapatang pantao na tumulong na turuan ang publiko laban sa paggamit ng iligal na paggamit sa halip na bilangin lamang ang mga pagpatay na may kinalaman sa droga sa bansa.

Ayon sa Pangulo, ang mga tagapagtaguyod ng karapatan ay dapat makahanap ng trabaho sa funeral parlor kung sila ay mananatilo lamang sa pagbibilang ng mga namatay na drug offenders.

Ipinaalala niya sa kanila na ang adbokasiya ng karapatang pantao ay hindi nagsisimula at nagtatapos sa buhay ng isang kriminal, sinabing ang bansa ay puno pa rin ng problema sa pagkalulong sa droga.

“Napaka-torpe naman ng human rights kapag hindi kayo nag-ano .. Ano ang ano ninyo magbilang na lang ng patay? E p**** i** e di maglipat kayo ng trabaho. Huwag sa human rights, punenarya kung yan lang ang trabaho ninyo. What about the social problem, the serious and grave problem of drug addiction in the country. What are you doing about it? At least meron kayong advocacy ,” sinabi ni Duterte sa kanyang televised address.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

“You also do a campaign all around the Philippines, warning the citizens about killed, about being slaughtered if they do drugs. ‘Yan tama na magawa ninyo,” dagdag niya.

Kung ang mga tao ay napatay dahil sa paggamit ng droga sa kabila ng kanilang edukasyon, sinabi ni Duterte na maaaring mag-imbestiga at magsampa ng mga kaso ang mga grupo ng karapatang pantao.

Binira rin ni Duterte ang mga grupo dahil sa pagprotekta umano sa mga kriminal at pagpaparangal sa “caucasians of Europe.”

“Ito mga puti ito? Magkano ba na dollar ang tinatanggap ninyo? Huwag ninyo sabihin na mas Pilipino pa kayo when you enjoy prosecuting people doing their jobs. Ako takutin ninyo? F*ck you,” aniya sa kanyang nga kritiko.

Muli ring nagbanta si Dutert na papatayin ang lahat ng mga sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga, sinabing wala siyang pakialam kung ang ipinagbabawal na sangkap ay ginawa sa Pilipinas, Malaysia, o China.

“A shabu is a shabu is a shabu. I don’t care where it comes from. It’s a crime,” aniya. “If you destroy my country, I will kill you,” dugtong niya.

Nabanggit din niya na ang mga krimen kaugnay sa ilegal na droga ay may ng parusang kamatayan sa Malaysia, Indonesia, at China. “Tayo lang ang Pilipinas na maarte,” aniya, na tila may kaugnayan sa kawalan ng kaparusahang kapital sa drug offenses sa bansa.

-Genalyn D. Kabiling