Sinabi ng isang medical expert na ang Pilipinas ay maaaring “marahil” ay magkaroon ng bakuna sa COVID-19 sa una o pangalawang quarter ng 2021 kung ang mga klinikal na pagsubok sa bansa ay magsisimula ng Setyembre o Oktubre sa taong ito.

Ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante ang investigational vaccinesbtulad ng isang inaalok ng Russia ay kailangan pa ring sumailalim sa mga lokal na clinical trials.

Sinabi ni Solante na ang pagsasagawa ng clinical trials sa local setting ay magpapahintulot sa mga eksperto na makuha ang “real data on the safety and efficacy” ng mga bakuna “among Filipino patients or those who will be involved in the trial.”

“You are looking at different populations. There may be similarities in safety, but we could not know how we can really evaluate the efficacy that was seen in those individuals abroad can also be replicated among our local patients,” sinabi ni Solante, miyembro ng accine experts panel ng Philippine Council for Health Research and Development, sa ANC.

National

Kitty Duterte, ibinahagi latest na mensahe ni FPRRD sa kanilang pamilya

Noreen Jazul