FIVE million pesos ang ibinigay na financial help ni Willie Revillame sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19. Ibinigay nito ang tseke ng P5M kay Presidential Spokesperson Harry Roque nang bumisita si Harry Roque sa show ni Willie sa GMA-7 na Tutok to Win.

willie

Si Harry Roque na ang magbibigay ng tseke sa DSWD at DOTr para siyang mamahagi ng pera. Kaya sinabihan nito si Willie na ipangalan ang tseke sa DSWD o DOTr.

“I am willing to give, sa akin pong naipon. Hindi naman ito pagmamayabang ‘no. Ito lang ang pwede kong maitulong sa gobyerno kasi hindi naman ako pwedeng lumpit kay Mr. President, sa mahal na Pangulo na, ‘iyo ibibigay ko, hindi maganda tingnan. Ang balak ko ho ay magbigay ng P5 million ngayon sa araw na ito at handa ako. At ibibigay sa mga jeepney drivers na talagang namamalimos na,” sabi ni Willie.

Relasyon at Hiwalayan

Jackie Forster nagparinig tungkol sa 'manipulation' at 'walang accountability'

Dagdag pa ni Willie, sobrang blessed na siya, kaya hangga’t kaya niya, tutulong siya sa mga nangangailangan. Kasama rin sa tutulungan nito at bibigyan ng tig-P100,000.00 ang pamilya ng OFW na namatay sa pagsabog sa Beirut.

Nangako rin si Willie na muling magbibigay ng P5 million next month para naman sa mahihirap na apektado pa rin ng COVID-19. Dahil sa ginawang ito ni Willie, kahit ang hindi niya matutulungan ay nagpasalamat sa kanya.

-NITZ MIRALLES