New contract star ng GMA Artist Center si Luis Hontiveros, kaya naman hindi maiiwasan na nerbyusin siya nang ibigay sa kanya ang isang role sa new episode ng Saturday afternoon program na Wish Ko Lang. Makakasama niya si Katrina Halili.

luis

“I’m humbled na isang programang tulad ng Wish Ko Lang ang unang project na ibinigay sa akin ng network,” sabi ni Luis. “At first, I thought I would be intimidated na kasama sila, pero na-realize ko after ko siya makaeksena na napakagaaan pala niyang katrabaho, at she’s very professional.”

Ngayong isa nang ganap na Kapuso, looking forward si Luis na may marami pa siyang magawang project sa GMA. “Ang wish ko, ay mabigyan ako ng chance to be able to work with the other veteran actors, directors and to play more challenging roles.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makakasama nina Katrina at Luis sa Wish Ko Lang sina Kim Rodriguez at teen actress na si Elijah Alejo. Mapapanood na sila ngayong Sabado, Agosto 8, pagkatapos ng Tadhana at 4:00PM, sa GMA-7.

Nora V. Calderon