INATASAN ng Games and Amusements Board (GAB) ang legal division office na magsagawa ng agarang imbestigasyon hingil sa reklamo ng ilang players na hindi natupad ang nakatalaga sa kanilang kontrata sa Global FC – isa sa anim na koponan na sumasabak sa Philippine Football League (PFL) – simula nang mag-lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

MITRA

MITRA

Ayon kay GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, nakababahala ang sitwasyon higit at nasa gipit na sitwasyon ang karamihan dahil sa mahigit limang buwang lockdown na umiiral sa ilalim ng community quarantine ng pamahalaan.

“GAB has been receiving complaints that some of the players of Global FC professional football team have not yet received their salaries. We have acted on the abovementioned complaints and forwarded the same to our Legal Division for the purpose of conducting the necessary investigation,” pahayag ni Mitra.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ikinalungkot din ni Mitra ang isyu sa gitna nang ibinigay na pahintuloy ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Disease (IATF-MID) batay sa programa na nakapaloob sa Joint Administrative Order (JAO)na isinumite ng GAB, Philippine Sports Commission (PSC) at Department of Health (DOH) sa pagbabalik ng ensayo sa professional league ng football, basketball at contact sports na boxing, mixed martial arts at muay thai.

“Likewise, we have sought assistance from the Philippine Football Federation; according to the report, PFF has issued an order to the Global FC to act on such complaints within 10 days reckoned from the date of receipt of said order.

“While the GAB, after verifying the names and license numbers of the complainants, will give due course and ask Global FC to explain its side,” pahayag ni Mitra kasabay sa paggiit na handa ang GAB na patawan ng sanctioned ang management ng Global FC.

Nauna rito, inamin ni PFL Commissioner Coco Torre, na nabigo ang Global FC na ayusin ang gusot sa suweldo ng mga players at staff matapos mapaso ang 10 araw na taning na kanilang ibinigay dito.

“It is very disappointing to hear that Global FC was not able to stand by their commitment despite being reminded within the 10 days to settle the outstanding wages,” pahayag ni Torre na online interview.

Aniya, nagkaroon ng pagpupulong ang PFL at Global Fc management nitong Hulyo 23 kung saan tampok na usapin ang isyu sa mga hinaing ng players na kinabibilangan ni UK-based John Cofie at graphic designer Saya Jurada.

Ang FC ay pagmamay-ari ng HongKong based consortium Mazinyi Management Ltd. Nabili ang koponan mula kay Mark Jarvis. Nakuha niya ang prangkisa mula sa dating may-ari na si Azkals team manager Dan Palami.

Iniakyat na umano ang isyu sa PFF Licensing First Instance Body at hinihintay lamang ang resulta ng imbestigasyon bago ang posibleng pagbawi sa lisensya at prangkisa ng Global FC.

-Edwin G. Rollon