Kabuuang 141,958 manggagawa ang nawalan ng trabaho ngayon taon, karamihan ay sa National Capital Region (NCR), isiniwalat sa huling Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Batay sa ulat, sa tala nitong Agosto 2, sa 141,958 manggagawa na nawalan ng trabaho mula sa 6,843 establishments, 62,369 dito ay nagmula sa NCR.
Sinusundan ito ng CALABARZON na may 31,935; Central Luzon, 16,883; Central Visayas, 7,811; Cordillera Administrative Region, 5,376; Davao Region, 3,901; Northern Mindanao, 2,968; Western Visayas na 2,703; Ilocos Region, 2,241; Cagayan Valley, 1,222; Eastern Visayas 1,089; Bicol Region, 1,043; Soccsksargen, 884; Caraga 771; Mimaropa, 646; at Zamboanga Peninsula, 116.
Ayon sa Labor department, sa mahigit 6,000 establishments na nagtanggalbng mga manggawa mula Enero, 2020, hanggang kasalukuyan, 6,163 ang nagbawas ng workforce habang 680 ang permanenteng nagsara.
Ang 680 kumpanya na nag-ulat ng permanent closure ay nagtanggal ng kabuuang 13,484 manggagawa habang 6,163 kumpanya na nagbawas ng tao ay nagtanggal ng 128,474 empleyado.
Sa larangan ng major industry groups, karamihan ng mga nawalan ng trabaho ay nasa ilalim ng under administrative at support service na may 34,154; sinusundan ng iba pang service activities na may 20,349.
Inihayag din ng ulat na 107,152 establishments na sumasakop sa 3,023,601 manggagawa ay nagpapatupad ng flexible working arrangements (FWA) at temporary closure.
Sa mahigit 107,000 establishments, 26,487 ang nagpatupad ng FWAs na nakaaapekto sa 1,160,677 manggagawa.
Sa kabilang banda, ang 82,561 kumpanya na pansamantalang nagsara ay naapektuhan ang 1,993,314 manggagawa.
-Leslie Ann G. Aquino