NAURONG na naman ang resume ng taping ng Primadonnas sa Setyembre dahil hindi pa tapos ang script base sa staff ng GMA 7.
Ang buong kuwento sa amin, ‘Yung Prima Donnas ‘di pa tapos meeting gusto nila parang more than 1 month na episodes kukuhanan nila para ‘di magastos, mas safe at ‘di makain sa oras, kaya meeting pa ng meeting. Parang pag nagmi-meeting ang GMA Drama ‘yan ang sinasabing problem. ‘Di pa tapos ang script at paano ima-mount ‘yung scene since lockdown at konti tao sa set.”
Dagdag pa, “saka inaayos pa sa DOLE ‘yung minor cast ng Prima Donnas.”
Hindi rin daw puwedeng sabay-sabay na nagte-taping ang mga teleserye ng GMA dahil one at a time lang.
“Isa-isa lang kasi ibabalik ang mga shows. Hindi puwedeng magsabay-sabay magtaping ang mga shows. Mandated by management. Prima Donnas sa September balik,”paliwanag pa ng taga-Siyete.
Ano naman ‘yung nabalitaan namin na September din ang resume ng Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado?
“Ay wala po sa line-up ang DOTS, mauuna pa nga ‘yung Waray vs Biday nina Barbie Forteza at Kate Valdez,” sabi pa.
Ang daming naka-line up na teleserye ng GMA dahil may Mylene Dizon at Nora Aunor na Bilangin ang Bituin sa Langit na ididirek ni Laurice Guillen na hindi pa rin daw tapos ang script.
Hayan ang nakalap naming tsika mula sa taga-Kapuso network tungkol sa schedule ng tapings ng mgs teleserye nila.
-Reggee Bonoan