MALAKI na ang ipinagbago ngayon ni Kris Aquino dahil base sa mga nabasa naming sagot niya sa mga nagpupumilit na i-bully siya sa muli niyang pagbabalik sa telebisyon ay hindi na niya sinasagot, pero kung nasa mood naman ay maayos ang pagkakasabi niya.
Anyway, dahil hindi pa puwede ang mediacon o presscon kaya nagpadala na lang ng mga tanong kay Kris ang ilang kaibigan niya sa media ng mga tanong para sa muli niyang pagbabalik sa telebisyon, Ang Love Life with Kris na mapapanood sa Agosto 15, 5-6PM. Narito ang unang bahagi ng panayam kay Kris:
Q: Kaya na ba uli ng katawan mo ang buhay-production / studio?
Kris: “When there’s a will, there’s a way. Kakayanin.”
Q: Aside sa business venture ito, ano ang goals ng show, na nakakumbinsi sa ‘yo para bumalik sa TV?
Kris: “Marami tayong dinadaanan problema sa bansa. Ayokong dumagdag sa problema ninyo. Gusto ko kayong bigyan ng pag-asa. Siguro, ako ‘yung living proof of that. Hindi ako sumuko. At ito na ‘yun.
“So, kahit papa’no, kahit na konti man lang sana, ‘pag napapanood n’yo ko, maiisip ninyo, na dapat, hindi rin kayo sumuko.”
Q: Sinu-sino ang gusto mong ma-interview sa show na ito?
Kris: “Ayoko ngang sabihin sa inyo, kasi, baka unahan ako ng iba!”
Q: Kris, concept mo ba ang tatakbuhin ng show mo?
Kris: “I gave a lot of input. Kung ano ang mangyayari sa ‘Love Life with Kris’. So, I-double meaning n’yo na ‘yung ‘love life’. “
Q: Ano’ng preparation ang ginawa mo para di magaya sa past talk shows mo ang concept ng new show mo?
Kris: “I now have more creative control.”
Q: Why the title?
Kris: “Gusto ko. Ha ha ha! I love life! I’m so grateful to be alive. And, sinabi ko nga, let’s not limit God, ‘di ba? Malay natin, baka mabiyayaan pa ng true na love life.”
Q: Ano ang time slot ng talk show mo?
Kris: “I think that would be up to TV5. I believe that should be up to the network that will be airing the show to announce it. Hindi na po ako atribida ngayon.”
Q: What can the viewers expect from your show?
Kris: “Fun. I want you to have fun, and I want you to have that moment na lahat ng mga nagbe-burden sa inyo, if atleast, only for that moment, while you’re watching me, you’ll feel you have a friend.”
Q: Wala bang adjustment to be hosting a talk show again?
Kris: “Sa bahay kasi namin, parang everyday, nagto-talk show kami ni Bim (Bimby). So, there’s no adjustment at all.
“And doon na lang sa meron kasi kaming thread ng mga kapatid ko. Sinabi daw nila na why is it not possible for me to just answer with a yes or no? Bakit parating ang haba ng opinyon ko? So, there’s no adjustment.”
Q: Anong mga preparations mo sa show? Physically, mentally, and emotionally ready ka na ba sa pagbabalik sa TV work?
Kris: “Even though Cornerstone is my management, the schedule master is Bim. Kasi, naka-speaker phone na nag-uusap sina Alvin) (Gagui at Tin (Calawod) of Cornerstone ng schedule.
“At pinaalala ni Bim ‘yung mga binilin ng doktor. Na for every ‘X’ amount of days na nagta-trabaho (ako), may ‘X’ amount of days na kailangang magpahinga ang mama niya.
“So, everything was taken into consideration. But Bim also said the knows that this will what make me happy. And this is what. He said, I was born for this! And so, he wants me to also be inspired to be at my healthiest. And of course, sinabi niya na, he’s excited for the income! Ha ha ha!
“Actually kasi, as we speak now, mga dalawang linggo na lang, So, what I’ve been doing really was trying my best to not be a copycat of what is working in the States.
“So, I’ve been watching a lot of ‘Ellen.’ I’ve been watching a lot of Kelly Clarkson, I’ve been watching a lot of Kelly and Ryan. Parang, I don’t want people to see na, ‘Nanood lang ‘yan ng YouTube, at ito na ang ginawa.’
“So, para rin hindi ako masyadong kabahan, wala akong ginawa kundi manood ng mga K-Drama! And ayoko din namang ma-feel nilang, ‘Ano ba’ng mga pinag-uusapan ng babaeng ito?’ Ha ha ha!
-Reggee Bonoan