Mahigit sa 300 mga pampublikong paaralan ang nagsagawa ng mga dry run gamit ang iba’t ibang mga alternative learning modalities sa buong antas ng edukasyon tulad ng balak ng Department of Education (DepEd) na makita kung paano tunay na magaganap blended atbdistance learning sa pagsisimula ng mga kaso sa Agosto 24.
Dahil sa pandemya ng COVID-19 pandemic, ipagbabawal ang face-to-face na pagdadaos ng mga klase sa darating na pasukan ngayong taon, at upang matiyak na magpapatuloy ang edukasyon, ipatutupad ng DepEd ang blended at distance learning kung saan ang mga modalidad ay idinisenyo upang umangkop sa bawat pangangailangan at kapasidad ng mag-aaral.
“We have not monitored major challenges,” sinabi ni DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio.
“The dry run results are very inspiring,” aniya pa.
Ang huling datos mula sa DepEd ay nagpakita na 345 paaralan ang nakapagsagawa ng blended learning dry-runs sa bawat rehiyon.
Sa ngayo, angvRegion 7 (Central Visayas) ang may pinakamataas na bilang ng mga paaralan na nagsagawa ng mga dry run sa 169 sinusundan ng Region 3 (Central Luzon) na may 49 at Region 2 (Cagayan Valley) na may 38.
Sa Region 4-A (Calabarzon), 37 paaralab ang nakapagsagawa ng mga dry run; 10 sa Region 11 (Davao region); walo sa Cordillera Administrative Region (CAR); pito sa Region 10 (Northern Mindanao); anim sa Region 12 (Socsargen); lima sa Region 8 (Eastern Visayas); apat sa National Capital Region (NCR) at Region 13I (Caraga); tatlo sa Regions 4-B (Mimaropa) at 6 (Western Visayas); at dalawa sa Region 1 (Ilocos).
Ang mga eskuwelahan sa Regions 11 (Zamboanga Peninsula) at V (Bicol) ay hindi pa nakapagsagawa ng mga dry run nitong Hulyo 30.
-Merlina Hernando-Malipot