SA kanyang bagong YouTube vlog, ipinasilip ni Jinkee Pacquiao ang kanilang bonggang family private resort sa Saranggani. Bago pa magkomento ang netizens nab aka ipinagyayabang lamang niya ang kanilang yaman, agad na itong nilinaw ng misis ni Sen. Manny Pacquiao.

“Ngayon nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko naman sa inyo ang first private resort namin ng buong family. Sa lahat ng nagtatanong ito na ‘yun. I am not bragging for anything na meron kami ganito, request niyo naman ito so i-tour ko kayo dito,” paliwanag agad ni Jinkee.

Ang laki at bongga ang resort na mayroong villas, rooms, hall, gazebo, at ang pool area na pitong taon na raw nilang naipatayo.

Humanga naman ang netizen sa eleganteng beach house.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“The whole family is enjoying the blessing. Very humbling to watch,” komento ng isang netizen.

“This is so inspirational for those who dream and never stop believing like me. Thank you for sharing. Such a wonderful family,” saad pa ng isa.

-ADOR V. SALUTA