TULOY na ang airing ng programang Love Life with Kris Aquino sa TV5!

kris

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa TV5 studio si Kris Aquino para sa promo shoot ng programa niya at this week daw ipapalabas ang teaser, sabi mismo ng handler niyang si Tin Calawod ng Cornerstone Entertainment.

Matatandaang nag-pictorial na si Kris para sa Love Life with Kris at excited siyang pinost ito sa kanyang social media accounts at trending kaagad dahil nga maraming nasabik na muling mapanood sa telebisyon ang nag-iisang Queen of All Media.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Pero biglang hindi na raw tuloy dahil hindi nagka-intindihan ang TV5 management at ang producer ni Kris at dahil dito ay ilang araw nag-deactivate ng social media niya ang TV host.

Nagtanong kami sa manager ni Kris na si Erickson Raymundo, Presidente at CEO ng Cornerstone kung bakit hindi natuloy pero wala siyang maisagot dahil hindi naman daw siya kaharap sa meeting ng TV5 bosses at ng producer ng programa.

Hanggang sa muling naging aktibo na ulit si Kris sa kanyang social media at nagpaliwanag kung bakit siya nag deactivate.

Hulyo 13 nu’ng binuksan ulit ni Kris ang kanyang IG account at ngayong araw, Hulyo 28 ay nasa studio na siya ng TV5.

Patapos na naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami nabibigyan ng kumpletong detalye tungkol sa Love Life with Kris at kung sino ang direktor at kung may guest ba si Kris sa first episode at sino.

Tsinek namin ang IG account ni Kris kung may bagong post tungkol sa pagkakatulong ng programa niya pero wala pa.

-REGGEE BONOAN