Hindi natutuwa si direk Erik Matti sa pagbabalik ngayong taon sa Metro Manila Film Festival ng Praybeyt Benjamin movie series na pagbibidahan ni Vice Ganda. Ang Praybeyt Benjamin 3 ang entry ng It’s Showtime host sa MMFF 2020 sa Disyembre.

Sa social media, nagpahayag ng kaniyang saloobin ang batikang direktor sa muling pagkakabilang ng pelikula ni Vice sa taunang film festival.

“Bagsak na nga ang pelikula, sumara na ABS, Praybeyt Benjamin pa rin palabas sa Pasko? Walang nagbago a! Kinangkina!” post ni Matti sa Facebook.

Aniya pa, tila hindi na natuto ang mga namumuno ng MMFF sa magagandang kuwento na napapanood ngayon sa iba’t ibang streaming platform.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Diin ni Matti, “5 months lockdown. Thousands of content binged. Biggest network closes. Praybeyt Benjamin. Woe never learned.”

-Ador V. Saluta