ANG Baby Uno Chess Challenge na tinampukang  Grandmaster Rosendo Carreon Balinas, Jr. birthday online chess championship ay tutulak sa Setyembre 6 dakong alas-onse ng umaga sa lichess.org.

May total cash prize na P20,000 sa event na isinagawa para sa 79th birthday celebrations ng namayapang Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. sa Setyembre10.

Si GM Balinas ay lawyer by profession, magaling na chess writer at journalist.

Ang kanyang biggest triumph matapos magwagi sa 1976 Odessa International Tournament na may 10-4 score record. Si Balinas ay undefeated sa lahat ng nakatungali na Russian at point ahead kay European at Ukrainian Champion Lev Alburt, at Russian Champion Vladimir Savon na pre-tournament favorite na giniba ni Balinas sa kanilang individual game.

PAWS, pinaalala kaligtasan ng mga hayop sa gitna ng bagyong #Kristine

Sa nasabing event, naging resulta para makopo ni Balinas ang GM title. Ang kanyang tagumpay ay nagmarka na bukod tanging  foreigner na nearly 40 years para magwagi sa  Russian International Tournament sa Russian soil.

Ang "free registration" online tournament ay 21-round Swiss System, three minutes, play to finish time control format.

Inorganisa ng Bayanihan Chess Club kung saan ang event ay punong abala si Bethesda, Maryland USA based Joe Balinas (kapatid ni the late Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr.) , na may top purse  P5,000.