SAN JOSE CITY – Kulungan ang bagsak ng isang kapangalan ni dating Manila Mayor Joseph Estrada nang mahulihan ito ng ipinagbabawal na gamot sa nasabing lungsod, nitong Sabado ng gabi.

Nakakulong na ang 36-anyos na suspek at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Paliwanag ni San Jose City Police chief, Lt. Col. Heryl Bruno, ikinasa ang buy-bust operation ng grupo ng Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency sa Zone 8, Bgy. Sto. Nino 3rd, dakong 6:30 ng gabi.

Hindi na nakapalag ng suspek nang dakpin matapos na mahulihan ng hindi pa mabatid na halaga ng illegal drugs.

-Light A. Nolasco

Probinsya

Nasa 15 katao, sugatan sa salpukan ng isang jeep at kotse; 5 sa kanila, nadaanan lang!