MATAPANG ang pahayag ni Angel Locsin sa naganap na noise barrage sa harap ng ABS-CBN para i-protesta ang hindi pagbibigay ng Kongreso ng renewal sa franchise ng network. Nailabas na rin ni Angel ang siguro, matagal nang kinikimkim na sama ng loob sa mga kapwa nya Kapamilya talents na hindi man lang nagpapahayag ng suporta sa laban nila para muling ibalik sa ere ang ABS-CBN.

angel

Sigaw ni Angel: “Yung mga kasamahan kong artisa na hindi pa rin nagsasalita. Ano tatahimik na lang kayo? Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo dyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo madadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat.”

Marami ang pumuri sa tapang ni Angel, pero may mga nag-comment na sana binanggit niya ang mga pangalan ng Kapamilya stars na hindi nakikiisa sa laban nila para maibalik sa ere ang ABS-CBN

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

-NITZ MIRALLES