Tiyak na ikatutuwa ng mga tagasubaybay ng  Magpakailanman na simula ngayong Sabado, Hulyo  18, ay fresh episode na ang mapapanood nila sa drama anthology ni  Ms. Mel Tiangco. At lalong matutuwa ang mga fans ng viral dancer at choreographer na si DJ Loonyo, dahil ang life story niya  ang tampok sa #MPK ngayong gabi.

Jak Roberto as DJ Loonyo

Nagkaroon ng training si DJ Loonyo sa iba’t ibang sikat na dance champion sa Pilipinas.  Binuo rin niya ang sariling grupo na Rock*Well, at sumikat online dahil sa mga tutorial na ipinu-post nila sa Facebook, Instagram, at Tiktok.  Pero sino nga ba si DJ Loonyo sa likod ng mga nakakaaliw niyang sayaw?

Si Kapuso hunk actor Jak Roberto ang gaganap bilang DJ Loonyo. Nagulat pa si Jak nang siya ang kinuha para gampanan ang character ni DJ Loonyo dahil hindi naman daw siya kagalingan sumayaw. Pero nakikita raw ng production na sumasayaw si Jak sa Tiktok.  Biro ni Jak 100 takes daw bago siya maka-perfect ng isang dance number para sa Tiktok.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Magkahawig nga naman sina DJ Loonyo at Jak, at aniya ay isang karangalan na siya ang na-consider to play the role. Ayon pa sa aktor, pinanood niya lahat ng videos ng dancer, pinag-aralan ang mga kilos at mannerisms nito, at maging kahit ang boses nito.

Kaya’t huwag na huwag palampasin ang kuwento ng buhay ni DJ Loonyo, viral dancer at choreographer  ngayong Sabado, 8:00PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto.

-NORA V. CALDERON