USAP-USAPAN online ang pelikula nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi na Through Night & Day na napanood via streaming sa Netflix. Marami ang nakapanood at pare-pareho ng comment ang netizens, maganda ang pelikula at parehong mahusay sina Paolo at Alex.

paolo at alessandra

Hindi na nagulat ang netizens kay Alex dahil alam nilang mahusay itong aktres. Kay Paolo sila nagulat, mahusay daw pala itong aktor at hindi lang sa comedy ang galing, pati sa drama at pagpapaiyak.

Kung napapanood ng netizens si Paolo sa All-Out Sundays bago ang quarantine, makikita nilang singer din ito at ang maganda sa kanya, lahat ng genre ng music kayang kantahin. Mapa-love song, rap, rock at siguradong kung mabibigyan ng chance, pati old music ay kaya nitong kantahin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matutuwa nito si Paolo dahil finally, nadiskubreng mahusay siyang aktor, underrated nga raw sila at umaasa ang mga bago niyang fans to see more of him sa movies.

“Maraming Salamat sa mga nanood, nanonood, at manonood pa lang! #AngPangarapKongHoldap and #ThroughNightAndDay po ay number 1 and 2 sa @netflixph,” ang pasasalamat ni Paolo.

Noon pang 2018 na-release ang movie at ngayon lang at sa Netflix lang napanood ng marami. Kinunan sa Iceland ang pelikung nagpaiyak sa mga nakapanood na na ang payo sa manonood pa lang, towel ang hawakan habang nanonood dahil marami ang inyong iiiyak.

-Nitz Miralles